Halos 5,000 ektaryang niyogan sa Albay, apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Aabot sa humigit-kumulang 5,000 ektaryang niyogan ang apektado dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Coconut Authority (PCA) Albay Division Chief 1 Alvin Trespeces sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Trespeces, mula ito sa siyam na mga lunsod/bayan na nakapalibot sa bulkan o nasa loob ng 6 kilometers permanent danger zone na kinabibilangan ng halos 30 mga barangay.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Magiging salik umano na dapat isaalang-alang dito ay ang paraan kung paano mag-alburoto ang bulkan tulad ng kung magkakaroon ng ashfall.

Nakadepende rin kasi sa direksyon ng hangin ang magiging epekto nito sa mga niyog sa lalawigan.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ani Trespeces, kung sakaling marami ang ilabas na mga abo at mainit-init pa, maaari itong magresulta sa tuluyang pagkamatay ng mga tanim na niyog.

Sa ngayon, aniya, nagpapatuloy pa sila sa pagtukoy ng bilang ng posibleng maapektuhang niyog o mga lupa pati na rin ang mga coconut farmers.