Mga napaulat na kidnapping, holdap, at pananaksak sa mga estudyante sa Bulacan, fake news ayon kay Gov. Fernando

Pinasinungalingan ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ng isang post sa social media tungkol sa mga insidente ng kidnapping, holdap, at pananaksak sa mga estudyante sa Capitol Mini Forest Park at gate ng Bulacan State University (BSU).

Kasunod ito ng pakikipagusap niya sa Bulacan police matapos makatanggap ng maraming alalalahanin sa mga concerned citizens.

Ayon sa gobernador, nananatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Bulacan partikular na sa buong bisinidad ng kapitolyo.

Hinimok din ni Fernando na itigil na ang pagpapakalat ng fake news, na nagiging sanhi ng panic at takot sa mga Bulakenyos.