1 patay, 2 sugatan sa pagsabog ng LPG sa isang barko sa Pier 18 sa Maynila

Dead-on-the-spot ang isang lalaki habang sugatan naman ang dalawa niyang kasama matapos sumabog ang isang LPG sa loob ng kanilang sinasakyang barko.

Naganap ang insidente, dakong alas onse ng umaga kahapon sa ikalawang deck partikular engine cabin ng barko habang sila ay nakadaong sa Pier 18 sa Maynila.

Agad na isinugod sa ospital ang dalawang nasugatan dahil sa tinamong 3rd degree burn.

Kaugnay nito, nilinaw ng pamunuan ng Philippine Ports Authority na walang kinalaman sa terorismo ang nangyaring insidente.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection at Philippine Coast Guard hinggil sa nangyaring aksidente.