Survey na nagsasabing mas gumanda ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan, welcome sa Palasyo

Naniniwala ang Malakanyang na gumagana o epektibo ang kasalukuyang pandemic response ng pamahalaan.

Sa isang pahayag sinabi ni Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar na patunay dito ang pinakahuling resulta ng Social Weather Stations (SWS) Survey kung saan lumabas na 32% ng mga Filipino adults ang nagsabing mas gumanda ang kanilang buhay kumpara noong nakaraang 12-buwan.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Mas mataas umano ito kumpara sa 24 percent na nagsabi ng parehong sentimyento noong December 2021.

Ipinapakita din nito ayon kay Andanar na papunta na tayo sa full economic recovery habang patuloy na nag-iingat laban sa mga bagong COVID-19 variant.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Nabatid na sa kaparehong survey na isinagawa mula April 19 – 27 ngayong, lumalabas na 34% ng adult Filipinos ang nagsabing sumama ang estado ng kanilang buhay sa nakalipas na 12-buwan.
#