Mga nakapagparehistro para sa unang linggo ng step 2 registration ng National ID sa Camarines Norte halos 18k na

CAMARINES NORTE- Umabot na sa  17, 995 ang mga nakapagpagperehistro para sa step 2 registration ng Philippine Identification System o PhilSys sa lalawigan ng Camarines Norte sa unang isang linggo ng pagsasagawa nito o hanggang nitong June 15, 2021.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nasa 11. 92 percent ito ng mga naka- enroll sa step 1 registration.

Mtatandaan na nagsimula ang ang Step 2 o registration noong June 7, 2021.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Naunang sinabi ng PSA na ang magpaparehistro para sa Step 2 ay ang mga naka- enroll sa isinagawang Step 1 registration noong January 18 hanggang April 30, 2021.

Ang mga ito ay binigyan ng Appointment Slips at nakalagay na rin dito ang Appointment Reference Number (ARN) at QR code na gagamitin sa validation ng appointment.

Bago magtungo sa mga nakatalagang Registration Centers sa kada bayan ay ipapaalam muna sa bawat pre- registered individuals ang kanilang appointment date at oras sa pamamagitan ng text message na ipiprisenta sa center.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Sa ngayon ay wala pa namang naiiulat na aberya sa pagsasagawa ng registration.