Mga nakakain ng karneng-baboy na may ASF, maaaring maging carrier ng virus – prov’l vet

KORONADAL CITY — NILINAW ngayon ng Office of the Provincial Agriculture o OPAg na walang masamang epekto sa tao ang pagkain ng karneng baboy na infected sa African Swine Fever o ASF.

Ngunit sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Dr. Raul Teves, provincial agriculturist ng lalawigan, nilinaw nito na kahit walang epekto sa tao, maaari namang maging carrier ng ASF ang sinoman na kumain ng karneng baboy na nag-positibo sa nabanggit na sakit.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Dahil dito, mas mabuti umanong iwasan na lamang ang pag-katay at pagkain ng mga baboy na may ASF upang hindi malagay sa alanganin ang hog industry ng lalawigan.

Read More:  Patients evacuated after Mindanao earthquake return to Hospitals

Patuloy naman ang panawagan ni Teves sa publiko na maging mapamatyag laban sa ASF lalo na’t may kumpermadong kaso na nito sa bayan ng Banga.