LTFRB, humingi ng paumanhin kaugnay sa delayed deployment ng isang bus consortium

Humingi ng paumanhin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil umano sa delayed deployment ng United Mega Manila Bus Consortium sa Commonwealth Avenue.

Maraming mga pasahero ang nahirapang makasakay dahil na rin sa mahabang pila at iilan lang ang bumabyaheng bus sa naturang lugar.

Ayon pa sa LTFRB, iniimbistigahan nila ngayon ang naturang insidente gayong ang naturang bus operator lang ang awtorisadong bumaybay sa Angat-Quezon Avenue.

Samantala, kinumpirma ng nasabing ahensya na nakatakdang buksan ang mga karagdagang ruta ngayong linggo. Inaasahang ang 6 na ruta para sa mga public utility jeepneys, 76 ruta naman sa mga traditional jeepneys, 1 ruta para sa modern UV express at 20 ruta naman sa traditional UV express.

(ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *