Aktibong kaso ng Covid-19 sa Koronadal, 9 na lamang

KORONADAL CITY — SIYAM na lamang ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Koronadal ayon sa datus ng Data Monitoring Center ng lungsod.

Ito ang inihayag ni OIC City Health Officer Dr. Stephen Mortera sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ayon sa opisyal, nasa ospital o isolation facilities nananatili sa ngayon ang nasabing mga pasyente.
Paliwanag ni Mortera na malaki ang kontribusyon ng karamihan na bakunado na laban sa Covid-19 sa pagbaba ng kaso sa lungsod.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa kabila nito, wala umanong rason upang makampante ang publiko sa virus lalo na ang vulnerable groups na madaling mahawa sa virus.

Dahil dito, importante umanong ipanatili ang pag-sunod sa health at safety protocols laban sa Covid-19.