Mga naitalang nasawi sa Central Luzon dahil sa Covid-19, lagpas tatlong libo na

Lagpas na sa tatlong libo ang naitalang namatay sa Central Luzon dahil sa Covid-19.

Sa latest data na inilabas ng Department of Health o DOH Region 3, nasa 3, 033 na indibidwal na ang nasawi sa rehiyon dahil sa naturang sakit.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Habang pumalo naman sa 122,494 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng Covid-19 sa Gitnang Luzon kung saan 5,583 pa sa mga ito ang aktibong kaso.

Read More:  19 passengers rescued after motorboat sinks off Cebu

Sa ngayon, umakyat na rin sa 113,878 ang bilang ng mga naka rekober sa rehiyon mula sa nakahahawang virus.