Mga naitalang kaso ng delta variant sa Region 2, pawang local cases-DOH

Lumabas sa ginawang pagsisiyasat ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) sa pamamagitan ng kanilang Special Action Team (SAT) na pawang local cases ang 16 delta variant cases na naitala sa lambak ng Cagayan.

Ayon sa Department of Health Region 2, galing sa tatlong probinsya sa rehiyon ang mga naturang kaso kung saan 13 dito ang mula sa Isabela.

Napag-alaman na sa naturang bilang 9 ang mula sa bayan ng Tumauini, 3 sa Luna at isa sa Santiago City.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Habang dalawa naman ang mula sa Cagayan na nagmula sa bayan ng Ballesteros at Tuguegarao City at ang isa ang mula naman sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ayon sa kagawaran, batay sa kanilang case findings, walo sa mga pasyente ang kababaihan at walo rin ang kalalakihan.

Read More:  Massive Davao City fire leaves 200 families homeless

Sampo umano sa mga ito ay household close contacts, dalawa ang may exposure sa workplaces at apat ang patuloy na bineberipika kung saan posibleng nahawa ng sakit.

Kinumpirma rin ng DOH Region 2 na nakarekober na ang mga naturang pasyente.

Panawagan ng kagawaran sa publiko na makiisa sa pagsunod ng mga panuntunan upang hindi mahawaan ng virus at mapigilan ang ibayo pang pagkalat ng naturang sakit.