Karagdagang bakuna sa mga probinsya, hihilingin ng LPP members sa pamahalaan

Nakatakdang magsagawa ng pagpupulong ang lahat ng mga gobernador sa bansa para pag-usapan ang patas na alokasyon ng COVID-19 vaccine sa mga probinsya.

Inihayag ni Isabela Governor Rodito Albano III, na mas marami umano ang mga bakunang inilalaan sa Metro Manila habang kakaunti ang ibinababa sa mga probinsya.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Dahil dito ay nakatakdang maghaharap-harap ang mga kasapi ng League of Provinces of the Philippines (LPP) upang pag-usapan ang naturang isyu.

Ayon pa sa Gobernador, lagi umano siyang tumatawag kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. para humiling ng karagdagang suplay ng mga dumarating na bakuna sa lalawigan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa ngayon ay nasa 10% palang aniya sa target population ng Isabela ang nababakunahan ng COVID-19 vaccine.