Mga nagparehistro sa COMELEC sa ilang lugar sa Bicol, inabot ng mag-uumaga

Kinumpirma ng Commission on Election (COMELEC) Bicol na marami ang humabol para sa last hour o huling araw ng pagpaparehistro para sa barangay at SK elections noong Enero 31.

Ayon kay Atty. Maria Juana Valeza, regional director ng nasabing tanggapan, may mga lugar sa rehiyon na inabot hanggang mag-uumaga sa dami ng taong gustong magparehistro para sa darating na eleksyon.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ang lalawigan ng Masbate ay isa umano sa may pinakamatagal sa pagpaparehistro kung kaya’t umaga na rin natapos ang pag-aayos ng mga tauhan sa kanilang opisina.

Paliwanag ni Valeza, hindi pa rin natututo ang mga tao at hindi rin niya maintindihan kung bakit kinakailangang pagsapit ng huling araw ay saka lamang magpaparehistro ang mga ito at makikipagsiksikan sa COMELEC offices.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Hindi naman nagkulang ang mga ahensya sa pagbibigay ng impormasyon sa mga tao na magparehistro na sa kanilang lugar nang mas maaga upang hindi na makipagsiksikan sa huling araw. Sinabi ng opisyal, kailangan lamang matuto ang mga tao dahil ginagawa naman ng nila ang mga paaran upang maging komportable ang mga ito at hindi na magsiksikan sa pila.