NAGA CITY- Nadaragdagan ang High Risk Area sa landslide batay sa pag-aaral ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) – Bicol sa Camarines Sur.
Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Arlene Dayao, Chief Geologist. Aniya mula 2014 nagkaroon na ng mapping ang MGB sa 9 na mga bayan sa Camarines Sur kasama ang Naga City. Ang natitirang iba pang munisipalidad ay pribadong surveying company ang nag hazard mapping.
Ngayon nagpapatuloy ang pag-upate ng MGB, tapos na ang Bato hanggang sa Pasacao, isusunod ang Sipocot at for update din ang Lupi, Ragay at Del Gallego. Sa Partido area naman ang Garchitorena, Precentacion at Tinambac.
Ang pinaka maraming red areas o ang nasa High Susceptibility to Landslide ay ang Sagñay. Kakaunti naman ang landslide prone areas sa Rinconada o ika-limang distrito ng lalawigan.
Sinabi ni Dayao na kung titinggan ang mga lugar na Very High, High Susceptibility, Moderate at Low Susceptibility to Landslide dumarami ang mga High Susceptibility.
Hiling ng MGB- Bicol sa mga LGUs pag-aralang mabuti ang Hazard Map, maging batayan ito sa pagpayag o hindi pagpayag na magtayo ng bahay sa isang lugar.
Samantala, pasalamat ang MGB dahil dalawang araw nang bumubuti ang lagay ng panahon matapos ang halos isang buwan na walang araw na zero rain incidence sa lalawigan kahit papaano aniya ay nakahinga ang lupa sa tubig-ulan.