NAGA CITY –Camaligan ang may pinakamababang bilang ng mga batang kulang sa timbang sa buong Camarines Sur.
Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Dr. Nonoy Severo, Head ng Municipal Health Office ng bayan.
Aniya, konsideradong bansot ang isang bata kapag hindi umayon ang kanyang edad sa kaniyang taas at sa kaniyang bigat, long term effect rin ito kapag sa simula pa lamang ay kulang na sa nutrition ang isang bata hindi katulad ng kulang lamang sa timbang ay maaari pang magawan ng paraan.
Iba rin ang itsura ng isang batang bansot kumpara sa mga normal dahil kadalasan ay malalaki ang tiyan, malabo ang paningin at posible pang makitaan ng iba pang sakit.
Ayon pa sa Doktor, maliban sa regular ang nagiging monitoring sa height at weight ng mga bata sa pamamagitan ng Operation Timbang, patuloy din ang pagsasagawa nila ng mga Feeding Program, pagbibigay ng mga bitamina para sa mga bata.
Mababatid na ang Brigada Mass Media Corporation ay may End Stunting Now Advocacy, kung saan nagsagawa ng mga free check-up para sa mga bata maging sa mga buntis, namigay din ng mga bitamina at nagpakain, at magpapatuloy pa ang nasabing programa sa mga susunod pang buwan.