Mga nagpa-register ng SIM Cards, nananatiling mababa – DICT

Nananatiling mababa pa rin ang bilang ng mga nagpapa-register na mga SIM Card users mula nang lumarga ang implementasyon ng SIM Card Registration Act.

Sa pulong balitaan, sinabi ng Department of Informations and Communications Technology (DICT) na 9.56% pa lamang ng total SIM users ang nagpapa-register.

Katumbas pa lamang ito ng mga 16 million resgistered users sa bansa mula sa 170 million existing users

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Kaugnay nito, sinabi ni DICT Usec. Anna Mae Lamentillo na target pa nilang mapataas sa one million SIMs kada araw ang mapapa-register sa kanilang tanggapan.

Sinabi naman ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Division Chief Norman Ancheta na bumaba na rin ang average complaints na natatanggap nila.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Mula sa average na 96 complaints kada araw sa unang linggo ng impelementasyon ng batas, bumaba na lamang ito sa 47 complaints.

Sa ngayon, aabot na lamang sa 1,300 na mga reklamo ang itinawag sa kanila kung saan, mayorya pa rin ay dahil sa pagma-malfunciton ng registration website.
#