Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Abdullah Mama-o, na dating adviser nito para sa OFW and Muslim concerns, bilang ad interim secretary ng bagong tatag na Department of Migrant Workers.
Ipinadala ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang appointment letter ni Mama-o sa Commission on Appointments noong March 4, 2022.
Layon ng Department of Migrant Workers na i-improve ang koordinasyon ng mga ahensya na may kinalaman sa overseas Filipino workers (OFWs) at OFW affairs.
Naitatag ang nasabing departamento sa pamamagitan ng Republic Act 11641 na nilagdaan ng Punong Ehekutibo noong December 2021.
