Mga naghain ng COC para sa national posts sa 2022 polls, umaabot na sa 31

Pumapalo na sa 31 mga aspirants para sa national elective positions ang naghain ng kani-kanilang certificates of candidacy para sa 2022 election.

Kaugnay nito, nasa 12 na ang presidential candidates, 3 ang vice presidential candidates, at 16 na senatorial candidates.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Maliban dito, mayroon naring 10 party-list nominees ang naghain ng kanilang certificates of nomination and acceptance.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Mababatid na itinakda ng Comelec ang paghahain ng COC noong Oct. 1 at magtatapos sa Oct. 8, 2021.

Sa gitna nito, sinabi ni Commissioner Antonio Kho na sinusunod nila ang mahigpit na schedule dahil sa extension ng voter’s registration. //MHEL PACIA-TRINIDAD