Mga nagbalik-loob sa pamahalaan na miyembro at suporter ng NPA, umabot sa 24

Umabot sa 24 na miyembro at supporter ng NPA ang nagbalik-loob sa pamahalaan sa probinsya ng Cagayan.

Una rito, tatlong magsasaka sa bayan ng Pamplona, Alcala at Sta. Teresita ang unang nagbalik loob noong ika-apat ng hulyo kung saan naging aktibo ang mga ito sa mga rally at nagsilbing mata at tenga ng pangkat.

Pitong indibidwal naman ang sumuko noong ika-anim ng Hulyo at isinalaysay ng mga ito na sila’y napilitang umanod sa pangkat dahil naakit ang mga ito sa pangakong tulong pinansyal na hindi naman natupad kalaunan.

Mga pangakong hindi natupad tulad ng libreng edukasyon, maayos na kabuhayan at hustisya ang dahilan naman ng pagsuko ng labing-isang indibidwal mula sa Sta. Teresita, Abulug, Peñablanca, Lal-lo, Piat, Aparri, at Baggao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *