Mga Security Guard pinatutulong ng PNP sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga estudyante sa nalalapit na pagbabalik eskwela

Pinatutulong ng Philippine National Polcie – Supervisory Office for Security and Investigation Agencies o PNP SOSIA ang mga security guard sa Oplan “Balik-Eskwela”

Ang mga Private Security Personnel ay itinuturing na Force Multipliers ng PNP sa law-enforcement activities.

Partikular sa inaatasang tumulong sa PNP ang mga security gurad na nakatalaga malapit o sa loob ng mga paaralan at pamantasan.

Sa Memorandum na pirmado ni Civil Security Group Director, MGen Edgar Okubo, layunin ng direktiba na tiyakin ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase sa buong bansa

Ayon sa Department of Education, magsisimula sa July 29 ang SY 2024-2025.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *