Pangalan ng DA Regional Director, ginagamit ng hindi otorisadong indibidwal; kagawaran, nagbabala

Nagbabala ang Department of Agriculture Regional Field Office 2 sa publiko hinggil sa paggamit ng pangalan at larawan ni Regional Executive Director Rose Mary Aquino ng mga hindi otorisadong indibidwal.

Ayon sa kagawaran, huwag paniwalaan ang sinumang gumagamit sa social media ng pangalan at larawan ng opisyal nang walang otosrisasyon.

Pinaalalahanan din ang publiko na huwag maniwala sa mga transaksyon tulad ng pag-solicit ng pera at illegal na aktibidad gamit ang pangalan ng opisyal.

Maaaring isangguni agad sa kagawaran ang sinumang makaranas ng nasabing transaksyon sa pamamagitan ng kanilang facebook page o telephone number na (078) 844- 1031 at 846 – 9131.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *