Mga nag-file ng coc sa Naga, madaling araw pa lang pumila na sa COMELEC

NAGA CITY – Madaling araw pa lang ay pumila na sa opisina ng Commission on Elections (COMELEC) Naga upang maghahain ng kanilang Certificate of Candidacy o COC, ang mga kakandidato sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023 sa Oktubre.

Kagaya ng Barangay Lerma, Balatas, Triangulo at iba pa, ilan lamang ito sa barangay na maagaang nagtungo sa nabanggit na opisina para mag-file ng certipiko sa pagtakbo sa halalan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Si incumbent Lerma Kapitan Domingo Serrado, alas-4 pa lamang nasa COMELEC na, ganito rin siya noong nagdaang halalan.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Samantala panayam naman ng Brigada News FM Naga kay Panicuason Punong Barangay Domingo Ramos sinabi nitong minabuti nila at ng kaniyang mga kasamahan na mag-file sa unang araw, nang sa gayon ay maiwasan ang abala at maiayos pa kung may problema sa dokumento.