Camarines Norte nananatiling nasa alert level 4 sa COVID- 19

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Health nitong Huwebes na nanatiling nasa Alert level 4 pa rin ang lalawigan ng Camarines Norte sa COVID- 19 tulad ng Albay, Camarines Sur at Sorsogon.

Idenedeklara ang ganitong alert level base sa average daily attack rate, presensiya ng variants of concern at kapag puno o malapit nang mapuno ang mga pagamutan.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Batay sa healthcare utilization rate update kahapon, nasa critical level na ang covid ward beds sa lalawigan matapos maitala ang 90. 7 %

High risk naman ang isolation beds na may 70. 8% utilization at moderate risk ang ICU beds na may 66. 7 utilization.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Nasa low risk ang mechanical ventilators na may 33. 3 % utilization.

Sa kabuuan nakapaglaan ang probinsiya ng 156 beds for Covid kung saan 118 dito ang nagamit o katumbas ng 76 % utilization.

Muli namang nagpaalala ang ahensiya sa pagsunod sa minimum health standards para malabanan ang COVID- 19.