CAMARINES NORTE – Umabot na sa 1400 na mga residente ang nabakunahan sa bayan ng Vinzons kontra COVID-19 ayon sa Lokal na Pamahalaan
Sa ipinalabas na datos ng LGU sa pamamagitan ng kanilang Municipal Health Office, simula noong March 23 hanggang sa kasalukuyan, 361 na ang nabakunahan mula sa A1 frontline workers , 716 ang kabilang sa A2 category o mga senior citizens at nasa 323 ang mula sa A3 category o yaong may mga comorbidities
Target ng naturang LGU na mabakunahan ang nasa 4,197 na nasa kanilang kabuuang masterlist kung saan 389 ang nasa A1 category , nasa 3,440 naman ang mga senior citizens o A2 category at 1088 ang mga comorbidities o nasa A3 category

Ang naturang bayan sinabing 1,140 na ang nakatanggap ng Sinovac Vaccine para sa 1st at 2nd dose habang 260 naman ang nakatanggap ng AstraZeneca Vaccine
Patuloy na hinihikayat ni Vinzons Mayor Eleanor Segundo ang kanilang mga mamamayan na magpabakuna para malabanan ang pandemic

