9 na panibagong kaso ng COVID-19 naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon

Muling nakapagtala ang lalawigan ng Camarines Norte ng 9 na panibagong kaso ayon sa Case Bulletin report na ipinalabas ng DOH Bicol kahapon.

Ang mga nagpositibo ay mula sa bayan ng Daet na may bilang na 5 at tig-i-i-isang kaso naman ang naitala ng Basud, Jose Panganiban, Labo at Sta. Elena.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Sa kasalukuyan ang kabuuang bilang na ng mga nagpositibo sa sakit ay 1208 simula noong magka pandemya mula naman sa bilang na ito 362 ang aktibong kaso.

Wala namang naiulat na nakarekober at nasawi sa sakit kung kaya ito ay nananatili sa bilang na 792 at 54   

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City