Mga nabakunahan sa 3 araw na ‘bayanihan bakunahan’ sa Catanduanes, umabot sa mahigit 36,000

BNFM BICOL— Umabot sa kabuuang 36,826 na mga indibidwal sa islang lalawigan ng Catanduanes ang nabakunahan kontra COVID-19 sa isinagawang tatlong araw na ‘Bayanihan Bakunahan’ o ang National Vaccination Days.

Batay sa inilabas na accomplishment report kahapon ng Provincial Health Office, nasa 13,036 ang mga nabakunahan sa Day 1 ng vaccination; 11,878 sa Day 2 habang 11,913 naman sa Day 3.

Sa 11 munisipalidad sa Catanduanes, ang kabiserang bayan ng Virac ang may pinakamaraming nabakunahan sa tatlong araw na pagbabakuna na umabot sa 9,632, sumunod ang bayan ng Caramoran na may 4,975 habang pinaka kaunti naman ang nabakunahan sa bayan ng Panganiban na may 1,014.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Batay sa PHO, nalampasan ng probinsya ng halos mahigit 14,000 ang sana’y 22,251 individuals lamang na target sa nasabing tatlong araw na vaccination roll out.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pasasalamat si DOH-Catanduanes Provincial Officer Dr. Robert John Aquino sa lahat ng mga health professionals; volunteers; government agencies; NGOs at sa lahat ng mga naging bahagi ng nasabing aktibidad.

Ang mataas na bilang ng mga nakiisa sa pagbabakuna ay hindi lang umano basta numero kundi dugo at pawis ng lahat ng mga taong nasa likod ng pagsisikap na maabot ng probinsya ang herd immunity.###