Mahigit 167, 500 nabakunahan vs COVID-19 nitong National Vaccination Days sa Camarines Sur

NAGA CITY- Umabot sa 167, 516 ang inisyal na ilang ng nabakunahan kontra sa COVID-19 nitong nagdaang tatlong araw na National Vaccination Days sa Camarines Sur. Hindi kasama ang bilang mula sa dalawang lungsod.

Ayon kay Department of Health Camarines Sur Provincial Officer Dr. Rey Millena, maganda ang pagtanggap ng publiko sa iba-iba nang brand subalit kung titingganan ang record ng DOH Bicol 344, 062 sana ang target o 49% ng target ang naabot.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Hindi lamang mga adult population ang tumanggap ng 1st dose kundi pati maging ang nag-eedad 12-17 anyos o Pediatric Population, bagay na ayon kay Millena ay magandang hakbang. Pinasalamatan nito ang Department of Education dahil malaking bagay na bakunado rin ang mga mag-aaral lalo pa’t hinahangad na ang pagbabalik sa face-to-face classes.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Hindi nagtatapos sa Pambansang Bakunahan ang hakbang sa pag-abot ng herd immunity.