CAMARINES NORTE- Mababa pang masyado ang nababakunahan ng COVID- 19 booster shot sa lalawigan ng Camarines Norte.
Batay sa pina- latest na datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center nasa 34, 719 o 6. 77 percent pa lang ang nakakatanggap ng booster shot sa buong lalawigan.
Sa katunayan wala pa sa labingdalawang bayan ng Camarines Norte ang umaabot sa 20 porsiento na nabakunahan ng booster dose.
Ang Daet ang may pinamataas na porsiento sa ngayon na nakapagbakuna ng booster dose na nasa 16. 12 percent at San Vicente na mayroong 13. 45 percent.
Ang natitirang mga bayan ay naglalaro pa lang sa dalawa hanggang walong porsiento ang nakakatanggap ng booster dose.
Kung maalala ay mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naghimok sa publiko na magpabakuna ng booster dose laban sa COVID- 19.
Sa gitna yan ng naging pahayag ng Department of Health (DOH) hinggil sa posibleng pagsipa ng severe at critical case ng COVID sa Agosto dahil sa waning o paghina ng immunity ng primary vaccines.
Ipinunto ng Pangulo na may ilang variant na resistant sa primary dose ng bakuna kaya’t kailangan ng dagdag proteksyon ng booster doses.
Samantala nasa 164, 167 CamNorteños pa o 32 percent ang hindi pa nababakunahan kahit primary dose.
May pinakamalaking porsiento na hindi pa nababakunahan ay sa Paracale na nasa 23, 275 o 44. 74 percent.
Ang DOH naman ay nag deploy ng team sa mga lugar na mababa pa ang vaccination coverage upang palakasin ang tinatawag na demand generation.
Binista ng DOH team ang mga bayan ng Paracale, San Lorenzo Ruiz at Sta Elena noong Hunyo.
Patuloy ang panghihikayat ng departamento sa publiko na magpabakuna at magpa booster na ang mga eligible sa harap na rin ng tumataas na namang muli ng mga kaso ng COVID- 19.
Kailangan umano ito para maprotektahan mula sa severe at critical forms ng naturang sakit.
