COVID- 19 variants of concern sa lalawigan ng Camarines Norte nananatili sa bilang na 44 mula pa noong nakaraang taon

CAMARINES NORTE- Hindi na nadagdagan ang 44 na variants of concern ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte simula pa noong nakaraang taon kung saan na- detect ang Beta at Delta variants.

Batay ito sa Biosurveillance Report ng Department of Health nitong Miyerkules, Hunyo 6, 2022.

Sa kasalukuyan,  nananatili sa 37 ang mga kaso ng Delta at ang mga ito ay naitala sa mga bayan ng Basud, Daet, Jose Panganiban, Labo, Mercedes, Paracale, Sta Elena, Talisay at Vinzons.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ang mga bayan naman na nakapagtala ng Beta variant ay ang Daet, Jose Panganiban, San Vicente at Sta Elena.

Ayon sa DOH ang bilang na ito ay base sa specimens samples na isinumite sa Philippine Genome Center (PGC) at hindi nagpapakita ng kabuuang bilang ng circulating variants sa komunidad.

Maaari umanong i- revise ang datos na ito base sa ginawang imbestigasyon.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Patuloy namang pinag- iingat ng DOH ang publiko at hinihikayat na sundin ang health protocols.

Sa ngayon kasi ay kapansin- pansin na tila hindi na alintana ng marami ang panganib na hatid ng COVID- 19.

Ang mga establisyimentong dating mahigpit ang ipinapatupad na health protocols ay nagluwag na rin ngayon dahil na rin sa mababang Alert Level.