Headline inflation sa Camarines Norte sumirit sa 3. 9 percent noong Hunyo

CAMARINES NORTE- Bumilis sa ikatlong sunod- sunod na buwan  ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) sumirit sa antas na 3. 9 percent ang headline inflation noong Hunyo kumpara sa 3. 1 percent  noong Mayo.

Mas mababa ito kumpara sa 5. 9 percent sa kaparehong panahon noong isang taon pero pinakamataas naman simula Enero ng taong kasalukuyan.

Kabilang sa mga dahilan ng pagsirit ng inflation sa lalawigan ay ang Alcoholic Beverages and Tobacco, Transport, Food and Non- alcoholic beverages, Financial Services at Restaurant and Accommodation Services.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Nag ambag din sa inflation ang pabahay, tubig, kuryente, gas and other fuel at personal care and miscellaneous goods and services.

Sa kabila nito pinakamabagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa lalawigan noong Hunyo kumpara sa ibang lalawigan sa Bicol.

Naitala ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Sorsogon sa antas na 5. 8 percent at Masbate sa 5. 6 percent.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Sa buong Bicol naman ay naitala sa antas na 5.0 percent ang headline inflation noong Hunyo kumpara sa 4. 9  percent noong Mayo.

Mas mababa ito ng bahagya kumpara sa 5. 8 percent sa kaparehong panahon noong isang taon pero pangalawa sa pinakamataas simula noong 2019.

Ito rin ang0 pinakamataas na inflation sa rehiyon simula noong Enero ng taong kasalukuyan.

Kapag mataas ang inflation kinakailangang gumastos ng mas maraming pera ang mga tao para sa mga serbisyo at produkto na kanilang binibili.