Mga menor de edad bawal pang makapasok sa mga mall sa Naga City

NAGA CITY – Mahigpit paring ipinatutupad sa mga malls sa Naga City ang pagbabawal na magpapasok ng mga menor de edad kahit na ito ay mga fully vaccinated na, bilang bahagi ng minimum health protocol kontra sa COVID-19.

Ang protocol na ito ay hindi naman nagugustuhan ng mga magulang dahil tila nalalabag daw ang karapatan ng kanilang mga anak sa kabila ng pagsunod nila sa pamahalaan na mabakunahan na,ngunit bawal paring makagala sa mga malls.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Kabilang sa nagpapatupad nito ay ang SM City Naga na kung saan maraming bata ang nakikita sa labas dahil hindi pinapasok .

Nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Tina Sumayao, ang media relations officer ng naturang mall at nabanggit nito na malaking kawalan sa kanila ang mga bata at mga menor de edad bilang mga customer ngunit wala silang magagawa kundi ang sumunod sa City Government para sa kaligtasan ng mas nakararami.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Tanging 18 taong gulang pataaas ang puwedeng pumasok na may vaccination card sabi pa ni Sumayao.