50 bagong kaso, 196 na recoveries at 11 pagkasawi sa COVID-19, naitala sa Bicol kahapon

BNFM BICOL– Umabot lamang sa 50 ang mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Bicol kahapon batay sa ulat na inilabas ng DOH.

Sa naturang bilang, 25 ang naitalang kaso sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan walo sa mga ito ang mula sa Naga City; pito sa bayan ng Sipocot; tatlo sa Pili; dalawa sa Bato at Ocampo habang tag-iisang kaso naman ang mula sa Goa, Libmanan at San Fernando.

Nasa 13 kaso naman ang naidagdag sa Sorsogon kung saan walo nito ang mula sa Sorsogon City; dalawa sa Juban at tag-iisa ang Barcelona, Irosin at Pilar.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa lalawigan ng Albay, anim ang naitalang bagong kaso ng sakit kung saan tatlo ang mula sa Legazpi City; dalawa sa lungsod ng Tabaco at isa sa bayan ng Daraga.

Umabot naman sa lima ang naitalang kaso sa Masbate kung saan apat nito ang mula sa Masbate City habang isa naman ang mula sa bayan ng Milagros.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Isa naman ang mula sa Camarines Norte mula sa bayan ng Paracale habang zero new case naman ang islang lalawigan ng Catanduanes.

Bunsod nito, pumalo na sa 58,526 ang kumpirmasong kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung saan 7,862 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 196 ang bilang ng mga gumaling kung kaya’t nasa kabuuang 48,576 na ang recoveries habang nasa 2,088 na ang bilang ng mga nasawi makaraang madagdagan ng 11 kahapon.###