Mga mangingisda sa Barangay Macolabo, Paracale nakatanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa BFAR

CAMARINES NORTE- Nakatanggap ng tulong pangkabuhayan ang nasa 25 mangingisda sa Barangay Macolabo, Paracale, Camarines Norte mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Pinangunahan ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam ang pamamahagi ng mga kagamitan at semilya sa pagtatanim ng gulaman o seaweeds production.

Ayon kay Tiam ang Lokal na Pamahalaan ang nagrekomenda at nagsagawa ng selection process.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nagsagawa naman ng validation  ang BFAR at ang benepisyaryo ay dapat rehistradong mangingisda.

Mababatid na simula pa noong mga nagdaang taon ay pinalalakas ng BFAR ang seaweeds production sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ang pagtatanim kasi nito ay mayroong economic value bukod pa sa tulong pangkabuhayan sa mga seaweeds farmers,

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sinasabing isa ang Pilipinas sa dati ay nagungunang bansa sa mundo na contributor ng seaweeds.

Noong 2018 ay tumaas ng hanggang sa 8.58 percent ang naitalang seaweeds production sa bansa sa second quarter ng taon batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Ayon sa PSA naitala ang 318. 51 libong MT produksiyon na mas mataas kumpara sa 293.34 libong MT noong 2017.