NAGA CITY- Pinapayagan na ng Archdiocese ng Caceres sa Camarines Sur ang pagsasagawa ng foot procession maliban sa mobile procession ngayong Kuwaresma at Semana Santa.
Sa Memorandum Circular na pirmado ni Archbishop Rolando J. Tria Tirona, O.C.D., D.D. sinasabing pwede na ang naturang mga aktibidad basta payagan din ang mga Parokya ng kanilang LGU.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Fr. Louie Occiano, head ng Caceres Commission on Communication , pagkakataon na ito upang maibalik ang mga nakagawian matagal na rin itong hinihintay ng mga mananampalataya.
Ipinunto ni Occiano na maluwag man ang protocol sa Alert Level 1 sa Naga at Alert Level 2 sa Camarines Sur , magsoot parin ng facemask.