Dalawang bayan sa Camarines Sur, napanatili ang pagiging drug free

NAGA CITY – Napanatili ng Lokal na Pamahalaan ng Gainza at ng Magarao, Camarines Sur ang pagiging drug free.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Provincial Officer ng Philippine Drugs Enforcement Agency Camarines Sur, Mark Anthony Viray.

Kung saan malaki ang naitutulong ng PNP, mga Barangay Opisyal maging ng komunidad at ng iba pang ahensya.

Sa panayam kay PSSg Melvin Delfino, Information Officer ng Gainza Municipal Police Station, isa ang paghingi nila ng tulong sa kanilang mga Barangay Opisyal upang mapanatili ang pagiging drug cleared, na ang mga ito na mismo ang magmonitor sa mga taong pumapasok sa kanilang barangay, maliban pa riyan aktibo rin ang kanilang mga Police Sa Barangay at nagsasagawa ng mga lecture.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Ganun din ang ginagawa ng Magarao Municipal Police Station, ang magsagawa ng drug awareness at lecture hindi lamang sa mga barangay bagkus maging sa mga paaralan, dahil mas mahalaga pa rin ang maka-iwas o prevention kontra ipinagbabawal na gamot.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Samantala, sa 935 na barangay na apektado ng iligal na droga sa probinsya, 543 na ang drug cleared barangay kasama na ang mga barangay ng Gainza at Magarao, 392 na lamang na mga barangay ang hindi pa drug free.

Ang bayan naman ng Caramoan, Goa, Milaor at Presentacion ay nasa proseso pa para sa Municipal Drug Cleared Program.