ALECO, may malaking problema na posibleng magdulot ng pagkawala ng kuryente sa buong lalawigan ng Albay

Kinumpirma ng Albay Electric Cooperative (ALECO) na mayroon silang kinakaharap na malaking problema, at ito ay ang kawalan ng power supply dahil sa pag-expire ng kontrata nito.

Sinabi ni ALECO acting general manager Wilfredo Bucsit, matagal na umanong nag-expire ang kontrata ng power supply nito kahit pa noong panahon ng APEC.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Aniya, may nauna na ring hakbang ang NEA kung saan nakipag-usap ito sa mga power supplier at ang naging solusyon nito ay pumasok sa Emergency Power Supply Aggreement (EPSA).

Ito umano ang isang taong agreement sa Masinloc Powerplant, kung saan nakakasisigurong mayroong supply ng kuryente ang lalawigan sa loob lamang ng isang taon, habang nagsasagawa pa ng competitive selection process para sa buong power supply o long-term power supply contract.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ngunit nakasalalay pa rin ang lahat sa lahat ng miyembro-konsumidores ng ALECO, dahil kung hindi pa rin sila magbabayad ng mga bills sa kuryente, malaki ang posibilidad na magdidilim ang buong lalawigan.