Mga manggagawa sa Ilocos Region, makakatanggap ng P60 pay hike simula sa June 6

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment Regional Office 1 (DOLE RO1) ang bagong minimum wage rates para sa mga manggagawa sa Ilocos Region, na magiging epektibo sa June 6.

Ayon sa Wage Order RB1-21, inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-1 (RTWPB1) noong May 11, ang bagong daily minimum wage rates sa region na kinabibilangan ng P400 para sa mga private sectors sa non-agricultural establishments na may mahigit 10 manggagawa, mula sa kasalukuyang P310, at 340 para sa may may mahigit 30 empleyado.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

P372 naman ang magiging daily wage para sa mga non-agricultural establishments na mayroong less than 10 employees, mula sa kasalukuyang 282, at P372 para sa agricultural establishments, ito man ay plantation o hindi.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Sa ngayon, ang mga manggagawa sa non-plantation agricultural establishments ay nakakatanggap ng P282 daily minimum wage, habang ang mga nagtatrabaho sa plantations ay nakakakuha ng P295.

Samantala, batay sa Wage Order No RB1-DW-03, itinakda ang minimum monthly wage rate para sa mga ‘kasambahays’ o housemaids sa P5,000, mula sa P4,500 para sa mga nasa lungsod at first-class municipalities at 3,500 naman sa ibang mga lungsod.