Tatapusin na ng Manila ang kanilang 24/7 drive-thru COVID-19 vaccination at swab testing sa Quirino Grandstand sa June 7.
Kaugnay nito, wala namang paliwanag ang lokal na pamahalaan hinggil sa pagsasara ng naturang programa.
Matatandaan na noong Enero nang ilunsad ng lungsod ang kanilang drive-thru vaccination at testing program.

Batay sa datos ng LGU, lumalabas na mayroong 3,453,766 shots ang naiturok hanggang noong Sanado, kung saan 1,707,714 dito ay para sa second dose.
Ang drive-thru facility ay bukas lang para sa four-wheel vehicles, habang ang motorcycle at bicycle riders ay maaring dumiretso sa kanilang pasilidad sa Kartilya ng Katipunan.