Mga magbibigay ng tulong o donations sa mga nagsilikas sa evacuation center welcome

LEGAZPI CITY – Bukas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa mga nagnanais tumulong sa mga residente na nagsipaglikas sa kanilang tahanan matapos pumutok ang Bulkan Bulusan sa Sorsogon.

Ito ang inihayag ni Regional Director Leo Quintinillia ng DSWD Bicol sa Brigada News Fm Legazpi.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon kay Quintinillia, welcomed naman sa mga magbibigay na mga tutulong para sa mga nagsipag evacuate sa kanilang barangay patungong evacuation center.

Aniya, mas kinakailangan ngayon ng mga naapektohan ay ang pagkain at inumin tubig o mineral kaysa sa mga damit.

Dagdag pa nito, magsasagawa rin ang tanggapan nang assessment sa mga evacuation center upang malaman ang pangangailangan ng tao at maibigay nang mabilis ang kanilang kinakailangan sa mga nagsilikas.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sinabi ng opisyal, ngayon araw din ay mayroon na silang ipinadala na mga additional forces upag tumulong sa pagbibigay ng relief family food packs sa evacuation center.