BBM, gumastos ng P272-million sa kampanya

Umabot sa P272 million ang nagastos para sa kampanya ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong 2022 national elections.

Sa statement na inilabas ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang political party na kinabibilangan ni Marcos Jr., nakatakda nila itong i-file bukas sa Commission on Elections.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ayon kay PFP general counsel Atty. George Briones mas mababa ang naturang halaga sa maximum expenditure of P337 million na pinapayagan ng batas.

Ang PFP SOCE ay pirmado ni National Treasurer Antonio Ernesto “Anton” Lagdameo, na kamakailan lang ay itinalaga bilang Special Assistant to the President ni Marcos Jr.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Ang SOCE ay ang final Comelec requirement na hinihingi sa mga kandidato alinsunod sa Election Code at iba pang Comelec rules.
#