Hindi bababa sa 300 healthcare workers sa Camarines Norte negatibo sa COVID- 19 sa isinagawang surveillance test simula noong Abril

CAMARINES NORTE- Hindi bababa sa 300 healthcare workers sa Camarines Norte ang nag negatibo sa COVID- 19 sa isinasagawang surveillance test simula pa noong Abril.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na lahat ng isinumiteng specimen ng mga healthcare workers mula sa Department of Health, Rural Health Units at Provincial Health Office ay negatibo lahat sa COVID- 19.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa umano ang ginagawang surveillance testing sa iba pang mga healthcare workers.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Samantala, nananatiling zero case sa COVID- 19 ang lalawigan sa loob na ng mahigit isang buwan

Sa ngayon ay mayroon lang isang pasyente sa Covid ward ng Camarines Norte Provincial Hospital pero nasa kategoryang suspect at hindi pa confirmed case.

Bakante rin sa ngayon ang ipinagawang expanded Covid ward at hindi umano ito pwedeng gamitin ng ibang pasyente dahil intended ito sa covid cases.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ayon pa kay Francisco wala rin umanong naitatala sa ngayong Covid utilization sa iba pang mga ospital sa lalawigan.

Dagdag pa nito na unti- unti nang nawawala ang takot ng mga tao na pumunta sa ospital para magpagamot ng kanilang sakit.

Noon kasing kasagsagan ng pagdami ng mga kaso, marami ang mga ninanais na lang manatili sa bahay at hindi na nagpapatingin sa doctor sa takot na tamaan ng COVID- 19.