Tututukan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lugar sa bansa na mayroong mababang vaccination rate.
Ayon kay DILG Spokesman Usec. Jonathan Malaya ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas bilisan pa ang bakunahan sa buong Pilipinas.

Kabilang naman sa mga namonitor ng DILG na may mababang vaccination rate ay ang BARMM at Bicol region.
Dagdag pa ni Malaya dadalhin nila ang mga bakuna sa mga barangay ngayong inaasahan ang pagdami pa ng suplay ng COVID-19 vaccines.
Naniniwala naman ang DILG na maaring isama ang vaccination sa mga component ng 4Ps program ng pamahalaan.