Mga LGUs sa Camarines Sur, dapat nakapaghanda na sa El Niño Phenomenon-PAGASA

CAMARINES SUR- Posibleng ideklara na ang El Niño Phenomenon sa susunod na linggo ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaya dapat naghahanda na ang mga Pilipino ayon pa sa weather bureau.

Sinabi naman ni PAGASA Camarines Sur Chief Meteorological Officer Fred Consulta na dapat ang mga Local Government Units ay nakapaghanda na. Mataas na heat index aniya ang aasahan posible pa itong umabot sa 46°C.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang mga magsasaka aniya ay dapat na naabisuhan na lalo na ang mga umaasa sa tubig-ulan. Inaasahan din ang pagbaba ng lebel ng tubig sa spring.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Mababatid na una nang sinabi ng Department of Agriculture Bicol na maaga silang nag plano para sa El Niño response.

Samantala, pagdating sa kalusugan ng tao, delikado sa mga may hypertension at iba pang sakit.