LEGAZPI CITY – Sinisikap ngayon ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na tapusin ang kanilang isinasagawang digitalized mapping partikular na ang Geographic Information System (GIS) at assessment sa mga residente nakatira sa mga mapanganib na lugar.
Napapabilang sa mga lugar na ito ang mga apektado ng iba’t ibang kalamidad tulad ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay APSEMO Reseach Division Chief Eugene Escobar, nasa kalagitnaan na sila nito para sa mga apektado.
Isa umano itong hakbang na may malaking tulong bilang tugon sa kalamidad at upang ang mga residente ay unti-unti nang mailipat sa permanenteng relokasyon o tahanan na malayo sa mga itinuturing na danger areas.
Samantala, kinumpirma naman ng tanggapan na nakapagsimula na sila sa mga lugar na sakop ng 6 kilometer permanent danger zone maging sa mga lugar na nasa 7-8 kilometers extended danger zone, ngunit ito rin ay pansamantalang itinigil dahil sa pag-aalburoto ng bulkan.