Mga lawang prone sa Fish kill sa Camarines Sur, nimomonitor ng BFAR kaugnay ng init ng panahon

NAGA CITY – Pinawi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Bicol ang pangamba lalo na ng mga taga Camarines Sur at Naga City ang hinggil sa magiging produksyon ng isda ngayong sobrang init ng panahon.

Sa panayam kay Nilo Consuelo, Chief Production on Support Services Division ng BFAR Bicol ng Brigada News FM Naga, ang nararanasang init ng panahon, ay wala pang direktang epekto sa supply , wala ring fish kill incident, maganda pa naman ang water source sa mga fish cages. Nagkakaroon aniya ng fish kill incident kapag naging pabago-bago ang panahon at bumababa ang dissolved oxygen.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Katunayan kapag ganitong mainit ang panahon mas paborable para sa mga isda lalo na ang mga tilapia at hito dahil mas nakakagalaw at nakakain sila ng marami. Ang 36 Celsius na temperatura sa katubigan ay kayang-kaya pa ng mga isda.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Regular din naman ang monitoring ng BFAR sa mga lawa o lake lalo na sa Camarines Sur, tulad ng sa Lake Buhi, Bato, Baao na prone sa mga fish killing na hindi lamang nangyayari ng isang beses sa loob ng isang taon.