4-anyos na bata nalunod sa Tinambac , Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay ang isang 4-anyos na batang lalaki matapos na malunod sa isang resort sa Tinambac , Camarines Sur.

Sa ulat ng PNP Tinambac, napag-alaman na nakita ang bata bandang alas -2 ng hapon nitong Sabado, Abril 22, 2023. Natagpuan ang bata sa swimming pool at sinubukang i-revive, dinala sa ospital pero hindi na ito umabot pa ng buhay.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon kay PMAJ Micheal Fortunado , hepe ng Tinambac PNP, sa kanilang imbestigasyon napagtanto na nawawala ang bata pero hindi gaano binigyan pansin ng mga kaanak.  Wala ring nakakitang life guard  sa pangyayari kahit may mga bantay naman sa resort.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Nagpa-alala ang hepe na bantayan ang mga kasama sa swimming pool lalo na ang mga bata.