LEGAZPI CITY – Inihayag ni Regional Director Gilbert Sadsad ng Department of Education (DEPED) Bicol na matagumpay ang unang linggo ng pagsasagawa ng pilot testing area sa limited face to face claases.
Ayon kay Sadsad, naghahanda muli ng 11 karagdagang paaralan ang lalawigan ng Albay at Camarines Sur upang makompleto ng mga ito ang 20 paaralan para sa limited face to face classes.
Aniya, magkakaroon muna ulit ng pag-uusap sa mga schools division office sa nabanggit na lalawigan upang makapagsimula umano ng kanilang face to face classes. Dagdag pa nito wala rin umano silang nakikitang mali o dapat baguhin sa ginagawang implementation ng bawat paaralan na nagsasagawa ng face to face classes dahil sa maayos naman at nagagawa ng tama ang safety and health protocols ng mga bata at guro laban sa covid 19. Sinabi ng opisyal, sakaling hindi magkaroon ng anuman na aberya sa mga paaralan ay tiniyak nito sa pagtatapos ng pilot testing area ay madadagdagan ang bilang ng magsasagawa ng limited face to face classes sa susunod