Canada pinayagan na ang Pfizer para iturok sa 5 hangang 11-anyos

Binigyan na ng go signal ng Canada ang paggamit ng Pfizer coronavirus vaccine para sa mga batang nasa edad 5 hanggang 11.

Lumabas sa mga pag-aaral na ginawa na safe at epektibo ang bakuna sa mga bata na kapareho ng mga pag-aaral na isinagawa sa mga bata.

Ito ang unang COVID-19 vaccine na inaprubahan ng Canada para sa nasabing age group.

Una nang sinabi ng Health Canada na aaprubahan lamang nila ang anumang bakuna para sa mga bata kapag masigurong ligtas ito sa anumang peligro.

Sa ngayon ay nasa 75% na ng mga Canadians ang fully vaccinated base datus ng Health Canada.

Samantala, nasa downtrend ang COVID-19 cases sa Canada simula pa noong kalagitnaan ng Setyembre.