Mga kumuha ng 2020/21 bar exam sa Cagayan State University, naging emosyonal sa “tradisyunal na salubong”

Naging emosyonal ang mga Barista pagkatapos ng kanilang pagkuha ng 2020/21 Bar Examination sa Cagayan State University noong February 6, 2022.

Ito ang inihayag ni Prof. Narsal Foronda, Secretary ng College of Law, ISU Cauayan Campus sa naging panayam ng 92.9 Brigada news FM Cauayan.

Ayon sa kaniya, sinalubong ng mga kapamilya, kaibigan at mahal sa buhay ang mga ito bilang bahagi ng tradisyunal na salubong.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Aniya, nasa 30 examinees mula sa ISU Cauayan Campus ang inaasahan sanang kukuha ng naturang pagsusulit subalit sa kasamaang palad ay nagpositibo sa antigen test ang isa sa kanila kayat hindi na ito pinayagang makapag-exam.

Batay aniya sa ibinahaging karanasan ng mga barista ay mas mahirap ang kanilang eksaminasyon sa huling araw.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Bagaman maganda umano dahil digitized na ang pagsusulit at ni-localized ito kaya hindi na kailangan pang bumiyahe pa sa Metro Manila ng mga kukuha ng Bar Exam.

Inaasahan naman aniyang mas maikli ang panahon ngayon na hihintayin bago ang paglabas ng resulta ng pagsusulit.