Vaccination sa mga batang edad 5-11 anyos sa Region 2, pinaghahandaan na

Posible umanong mag-umpisa na sa mga darating na linggo Pebrero ang bakunahan sa mga batang edad lima hanggang labing isang taong gulang sa lambak ng Cagayan matapos ang training ng mga magbabakuna.

Ito ang inihayag ni Dra. Grace Santiago, ang Regional Director ng DOH Region 2 ngayong araw. 

Sinabi niya na ang vaccination sa rehiyon sa naturang age group ay hindi pa nagsisimula dahil phasing ang ginagawa rito at inuuna ang NCR.

Gayunman, posible aniyang masimulan na ito pagkatapos ng pagsasanay ng mga vaccinator.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ayon kay RD Santiago, sensitive ang pagbabakuna sa mga bata kaya kailangan ng puspusang training.

Aniya, ang maaari lamang magsagawa ng vaccination sa mga batang edad 5-11 anyos ay ang mga sumailalim sa naturang training ng DOH kung saan magkakaroon ng certificate at hindi ito pwedeng i-assign sa mga midwives o staff ng RHU.

Ayon pa kay RD Santiago naka-schedule na sa susunod na linggo ang training ng mga participants kung saan kalahok dito ang mga Nurses at Doctors sa mga RHU at District Hospitals o sa mga DOH retained hospital.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Kabilang na rin dito aniya ang mga staff ng DOH Region 2 bilang karagdagang pwersa sa bakunahan.

Gagawin umano itong virtual at pagkatapos ay magkakaroon ng rigid screening kung sino ang makakapasa sa naturang training lalo na’t magkaiba ang concentration ng Pfizer vaccine para sa mga 5-11 taong gulang sa bakuna ng 12-17 anyos.

Samantala, sa ngayon ay nagpapatuloy na aniya ang pre-registration ng mga MHO at CHO sa mga batang kabilang sa age group para sa kanilang vaccination upang malaman ang alokasyon ng mga ibababang bakuna.