Go tiniyak sa HCWs na ang kanilang kapakanan ay nananatiling prayoridad ng gobyerno

Ikinatuwa ni Senate Committee on Health Chairman Sen. Christopher “Bong” Go ang ratipikasyon ng bicameral report na nagbibigay ng tiyak na benepisyo sa mga health worker at non-health worker sa panahon ng national public health emergency.

Bilang may-akda at co-sponsor ng SBN 2421, pinasalamatan ni Go ang mga tagasuporta ng panukalang batas at pinuri ang tagapangulo ng Committee on Finance na si Sen. Sonny Angara sa pangunguna nito sa Senado.

“I thank Senator Angara at lahat ng nag-file ng mga katulad na bills for prioritizing this measure. Sabi ko nga, hindi mababayaran ng kahit anuman ang buhay ng ating mga health workers, ngunit mahalaga ang batas na ito bilang pagkilala sa sakripisyo nila para sa ating bayan,” pahayag ni Go.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Ang mga benepisyo sa ilalim ng ratified version ay retroactive mula Hulyo 1, 2021 at mananatiling may bisa hanga’t  nasa public health emergency ang estado ng bansa. Magiging epektibo din ang mga ito sa mga hinaharap na national health emergency sa hinaharap.

Nakasaad sa panukala na bawat frontliner ay magkakaroon ng buwanang COVID-19 Risk Allowance tulad ng sumusunod: P3,000.00 para sa mga nakatalaga sa “low risk” o hindi pampublikong lugar ng health facility; P6,000.00 para sa mga nasa “medium risk” o public areas of a health facility; at P9,000.00 para sa mga nasa “high risk” na lokasyon, tulad ng mga silid ng mga pasyente ng COVID-19.

Read More:  Speed limit law set for activation in General Santos City

Karagdagang benepisyo ay ipagkakaloob sa mga frontliners kung sakaling magkasakit o mamatay.

Upang matiyak ang pagkakaloob ng mga benepisyo, ang Pangulo ay pinahihintulutan na muling iprograma, muling italaga at muling ihanay ang mga hindi nailabas na paglalaan at hindi obligadong paglalaan sa ilalim ng Executive Department sa 2021 at 2022 General Appropriations Acts.

“Hangga’t kaya ng gobyerno, ibigay ang mga kinakailangang nararapat para sa ating mga HCWs. Kaya mahalaga mapaghandaan at mapag-aralan ito nang mabuti upang maipatupad ang maayos,” ani Go.